Makakakabig ka raw ngayong 2019, besh! KAALAMAN TUNGKOL SA PAGDATING NG SUWERTE, TAGUMPAY AT KASAGAN
- BULGAR

- Apr 22, 2019
- 2 min read


SINASABING sa 12 animal signs na ipinatawag sa palasyo ni Lord Buddha, ang Unggoy ang isa sa may pinakamalakas na intuition o puwede rin nating sabihing may malakas na pangsagap sa mga bagay na hindi pa nangyayari o mangyayari pa lamang.
Kaya kapag ipinairal ng Unggoy ang kanyang intuition o malakas na pangsagap, bago pa siya malagay sa panganib, tiyak na siya ay makaliligtas, kaagad.
Gayundin sa negosyo, hindi siya basta-basta malulugi ng malaking halaga dahil kapag malapit ng malugi ang kanyang kalakal o produkto, maaamoy niya kaagad ito, kaya naman tiyak na makaiiwas siya nang mabilis sa pagkabangkarote ng kabuhayan.
Bukod sa talas ng intuition, sinasabi ring ang Unggoy ay sobrang praktikal kung saan ang pagiging praktikal niyang ito ang kadalasang naghahatid sa kanya sa pag-asenso ng kabuhayan at kung minsan ay sa tiyak na pagyaman.
Ngayong 2019, bagama’t, magkakaroon ng ups and downs sa kapalaran ang mga Unggoy, tinitiyak namang hindi magpapatuloy o pipirmi ang mga negatibong pangyayari dahil anumang pagsubok ang dumating sa buhay nila ngayong Taon ng mga Baboy, tiyak na poproteksiyunan at ililigitas sila ng langit.
Kumbaga, ngayong 2019, mapadpad man ang Unggoy sa laot ng dagat na may malalakas na unos at panganib, hindi sila magtatagal du’n dahil sa payapang dalampasigan na may mabunga at masaganang ani sila tiyak na dadalhin ng kapalaran.
Itinakda rin ngayong taon na ang mga Unggoy ay maraming makasasagupa na mga bagong aktibidad kung saan sa mga bagong gawaing ito, makadarama ang Unggoy ng panibagong kasiglahan at pag-asenso.
Kaya puwedeng bigyang-buhay ng Unggoy ang kanyang mga karanasan. Halimbawa, magdagdag siya ng business na proyekto, libangan, kaibigan at higit sa lahat lalo pa niyang pagsiglahin ang ugnayan o relasyong kanyang napasukan.
Kumbaga, kung hindi naging masaya ang taong 2018 para sa kanya, tiyak na kayang-kaya ng Unggoy na lalo pang pasiglahin at pag-ibayuhin ang alab ng pagmamahalan ng kanilang kasuyo na kapag hindi dumistansiya ay puwedeng mauwi sa hindi pinaghandaang pagkakaroon ng sanggol o kaya ay ng biglaang pag-aasawa.
Sa saktong paglalarawan ng kapalaran ng Unggoy ngayong 2019, kumbaga, sa naglalaro ng “tong-it” o pusoy-dos”, sinasabing ilalagay ng langit ang lahat ng magagandang cards sa kamay ng mga Unggoy.
At dahil ilalagay sa mismong palad ng Unggoy ang lahat ng magagandang baraha, siya ngayon ay bibigyan ng kalayaan ng tadhana.
Kaya kung mahusay siyang dumiskarte, walang duda, ang malaking pag-unlad, bonggang-bonggang suwerte, tagumpay at kasaganahan ay masayang makakabig ng Unggoy ngayong 2019.




Comments