Journalist, dedo sa riot
- Jersey Sanchez
- Apr 22, 2019
- 1 min read
DINAKIP ng Northern Ireland Police ang dalawang kabataan na umano’y may kaugnayan sa pagpatay sa investigative journalist na si Lyra Mckee, 29.
Nabatid na ang dalawang lalaking suspek ay nasa edad 18 at 19 na agad dinala sa istasyon ng pulisya sa Belfast.
Matatandaang, pinatay si Mckee noong Huwebes sa Creggan area ng Londonderry na itinuturing ng mga awtoridad na ‘terrorist incident’.
Nasawi ang biktima sa kasagsagan ng riot sa naturang lugar kung saan nakatayo lamang ito malapit sa sasakyan ng pulis nang matamaan ng bala.
Ayon sa non-profit organization na Committee to Project Journalists, si Mckee ang kauna-unahang journalist na napatay sa United Kingdom mula noong 2001.





Comments