top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

FUELS, NAKABAWI VS. SMB SA GAME 3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 1 min read

DUMAAN sa butas ng karayom ang top seed Phoenix FuelMasters matapos pagpagin ang defending champion San Miguel Beer 92-90 sa Game 3 ng PBA Philippine Cup semifinals kagabi sa Araneta Coliseum.

Naka-isa ang FuelMasters sa kanilang best-of-seven match matapos maging matatag sa fourth quarter lalo na sa endgame.

Bakbakan ang dalawang koponan sa unang dalawang periods, apat na puntos lang ang abante ng FuelMasters, 40-36 sa halftime.

Inagaw ng Beermen ang lamang sa third canto, nilista ang 66-64 bentahe papasok ng payoff period.

Samantala, nakasagot ng panalo ang Magnolia sa Game 3 at dahil nagkaroon ng mahabang pahi­nga dahil sa Semana Santa ay malaking bentahe ito sa Hotshots.

“Mahirap na siguro kung natalo kami tapos nag-break,” ani Magnolia point guard Paul Lee. “Although makakapag-pahinga kami, hindi pa rin mawawala sa isip namin na 0-3 kami.”

Nagtala si Lee ng game-high 16 points sa panalo ng Pambansang Manok Magnolia sa Rain or Shine, 85-74 noong Martes.

“At least ito yung momentum naming na­­nalo ka­mi andiyan na,” hayag ni Lee. “Malaking factor talaga itong break na nakuha namin.”

Tangan ng Elasto Painters ang 2-1 serye sa best-of-seven semifinals ng PBA Philippine Cup at ilalarga ngayong alas-7 ng gabi ang Game 4 sa Araneta Coliseum.

Muling kakapitan ng Hotshots sina Lee, center Ian Sangalang at dalawang guards na sina Mark Barroca at Jio Jalalon upang makatabla sa series.

Ihaharap naman ng Rain or Shine sina Beau Belga, Gabe Norwood at two-time Most Valuable Player, (MVP) James Yap upang makuha ang panalo at mamuro sa pagsampa sa championship round. (ATD)

Laro ngayon: (Araneta Coliseum)

7:00 p.m. - Rain or Shine vs Magnolia, (G4)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page