TAGUIG GENERALS AT Q.C. CAPITALS BIDA SA M-LEAGUE


SUMANDAL ang Taguig Generals sa huling paghahabol ng players upang depensahan ang homecourt advantage kontra bisitang Solid San Juan, 89-83, sa Metro League (Reinforced) Second Conference noong Martes ng gabi sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig.
Isinara ng Generals ang laro sa bisa ng mainit na 13-3 at tinapos mula sa nakaraang 76-80 na paghahabol ng 6 puntos kontra Bacoor upang umangat sa Southern Division sa walang bahid-dungis na 2-0 records.
Apat na players ang umiskor ng dobleng pigura para sa Taguig na pinamumunuan ni dating pro-cager Jonathan Uyloan na nagtarak ng 19 points, 7 assists at five steals.
Nakapagtala si import Emmanuel Ojoula ng double-double 14 points at 14 rebounds kasama ang two assists habang si Kevin Oliveria ay bumasket ng 10 points para sa Generals na pumoste ng 10-point lead sa third period.
Gayunman, si Helino Francisco ang nagsilbing bayani ng Taguig sa endgame nang pumukol ng anim para sa huling 13 points ng team sa papakulapsong minuto.
Sa kabilang banda, masaklap namang dinanas ng San Juan ang ikalawang diretsong talo sa kabila ng masipag na laro ni Michael Canete na may 21 points, 4 rebounds at 2 assists.
Lagpak ang San Juan sa 1-2 sa Southern Division ng M-League ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Basketball Association (PBA).
Sa unang laro, ikalawang panalo naman ang kinabig ng Quezon City Junior Capitals laban sa wala pa ring panalo na Manila-INGCO, 83-76. Nanggaling pa sa 88-80 victory laban sa paboritong Caloocan, bumibida nang husto sa Capitals si JJ Española na pumoste ng game-high 24 points, 2 rebounds at 2assists. (MC/ATD)





Comments