top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sobra-sobrang chlorine sa swimming pool, delikado!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
1 min read

BIGLANG pagkahilo, pagsusuka at hirap huminga.

Ito ang naranasan ng nasa 14 katao na karamihan ay mga menor-de-edad, habang lumalangoy sa isang resort sa Bulacan.

Ang sinasabing dahilan ay ang nalanghap na sobra-sobrang chlorine na inilagay sa swimming pool.

Sa pahayag ng mga awtoridad, sampu sa mga pasyente ang agad ding nakalabas ng pagamutan habang ang apat ay ginagamot pa rin.

Kaya ang paalala sa namamahala ng mga resort, maging maingat at laging tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Isipin natin, marami sa kanila ang bumibiyahe pa mula sa malayong lugar para lang mag-enjoy at makapag-relax kaya dapat lang na ibigay din sa kanila ang karapat-dapat na serbisyo at higit sa lahat ang makauwi nang ligtas.

Hindi rin nawawala ang mga ulat ng pagkalunod at ang reklamo ng kakapusan sa lifeguard sa ilang resort.

Kung sapat ang bilang at kakayahan ng mga bantay, malaki ang pagkakataon na maiwasan o maisalba ang mga nalulunod.

Kaya tama lang ang utos ng gobyerno na ipasara ang mga resort o hotel na walang first aid staff at emergency facilities.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page