top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sey ng experts... AMOY NG VANILLA, LEMON AT CHOCOLATE, NAKARE-REDUCE NG PANINIGARILYO!

Donna Thea Topacio
Apr 21, 2019
1 min read

SOBRANG init ng panahon, pero dehins mo pa rin maiwasan ang pagyoyosi? Naku, bad ‘yan!

Pero, knows ba ninyo na ang pag-amoy umano sa vanilla, lemon at chocolate ay nakare-reduce ng cravings sa paninigarilyo, ayon sa pag-aaral? Woah, hindi nga?

Ayon sa mga researcher, dahil konektado umano ang pang-amoy sa panlasa, hindi malabo na ito rin ang maging paraan para matulungan ang indibidwal na maitigil ang kanyang pagyoyosi, lalo na ngayong sobrang init ng panahon.

Sa pag-aaral, nagsagawa ang mga eksperto ng eksperimento kung saan pinangunahan ito ng mga dalubhasa mula sa University of Pittsburgh kung saan anila, sa tuwing nakaaamoy ang mga taong naninigarilyo ng kaaya-ayang amoy, nawawalan umano sila ng gana na manigarilyo.

Gayunman, ang mga amoy na nakapagre-reduce ng kanilang cravings ay amoy ng mansanas, lemon, vanilla at chocolate kung saan ayon sa pag-aaral, dehins din ito nababagay sa lasa ng nicotine na mayroon ang sigarilyo, kaya kung mapapansin ninyo, kadalasan sa mga ito ay ibinabagay sa “mint”.

Samantala, sinabi ni Dr. Michael Sayette, ang author ng pag-aaral, ang mga “pleasant odour” umano ay nakadi-disrupt ng smoking routine, kaya posible itong maging paraan para mapahinto ang mga mahal natin sa buhay na nanganganib na ang kalusugan dahil sa madalas na paninigarilyo na masama para sa kanila.

Kaya ang payo ng mga eksperto sa mga beshy natin diyan na desidido ng magbawas ng bisyo, try ninyo ito dahil baka ito lang pala ang makapagpapahinto sa inyo.

Oh, ayan, mga beshy, bagama’t, mukhang imposible kung gusto talaga ninyo, eh, maraming paraan. No excuses para sa mas healthy na kalusugan at pangangatawan!

Okie? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page