Pader ng simbahan gumuho, 13 patay
Tinatayang nasa 13 katao ang nasawi habang marami ang nasugatan sa pagguho ng pader sa pagsisimula ng Easter service sa isang Pentecostal Church sa South Africa.
Nasa 29 katao ang isinugod sa ospital makaraang mangyari ang insidente sa lalawigan ng KwaZulu-Natal.
Sa panayam sa isang local police spokesperson, maaari umano na ang malakas na buhos na ulan ang sanhi ng trahedya.
Bumigay ang nasabing pader sa pag-uumpisa ng nakatakdang weekend-long service ngayong Easter Sunday.





Comments