top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaya proud pa raw… RESBAK NI GRETCHEN: HAPI AKONG KABIT DAHIL WALA AKONG PINEPERHUWISYO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
1 min read

KUNG dati-rati ay todo ang pamba-bash kay Gretchen Barretto dahil sa pakikisawsaw niya sa isyu ng ilang personalidad, lalo siyang pinag-initan ng kanyang mga haters at detractors nang i-post niya sa social media ang kanyang mga branded stuff.

Umani ito ng galit at muling naungkat ang kanyang pagiging kabit o mistress. Todo-displey nga raw si Greta ng kanyang mga sosyaling gamit, pero hindi naman niya pera ang ipinam­bili kundi kay Tony Boy Cojuangco, ang kanyang long-time live-in partner.

Sey pa ng isang sutil na basher, kahit pa raw milyones ang halaga ng mga gamit ni Gretchen, ‘di pa rin nito mababago ang status ng aktres bilang kabit o mistress.

Buwelta naman ni La Greta, hindi niya ikinahihiya kung siya man ay kabit. At kung anuman ang bagay na naipundar niya, maligaya siya at walang pineper­huwisyong sinuman.

It seems palaban at pumapa­tol na rin si Gretchen sa kanyang mga bashers.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page