top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ISANG PANALO NA LANG SA KNIGHTS, CHAMP NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
1 min read

MALAKAS na laro ang pinakawalan ng unheralded na si Jhonard Clarito sa kanilang pivotal game ng serye nang ipanalo ang San Juan Knights sa bisa ng 67-62 score laban sa bisitang Davao Occidental Tigers sa Game 3 ng MPBL Datu Cup best-of-five championship series sa FilOil Flying V Arena.

Nagmula sa De Ocampo Memorial College sa NCRAA, isang produktibong laro ang ipinamalas ni Clarito sa liga, sumunggab ng 17 rebounds. Mas ak­tibo sa offensive boards kung saan 11 rito ay nang­galing sa 14 seconds chance points ng San Juan.

Nakalamang din ang San Juan sa karibal sa rebound, 49-41, upang uma­ngat sa 2-1 lead sa serye at isang panalo na lamang ang kailangan upang maging unang national champion ng regional amateur basketball league.

Sa tikas ni Clarito, nakaagapay din sina Mike Ayonayon at John Wilson. Nakapagtala ang high-leaping player na si Ayonayon ng 15 puntos habang si Wilson ay may 12 para sa Knights.

Puwede nang isara ng Knights sa bisa ng panalo sa Abril 22, Lunes, ang laro at kunin ang kampeonato sa FilOil Flying V Centre.

Nagwagi ang San Juan sa kabila ng 31-percent na shooting pero ‘di naka­porma ang Davao Occidental sa team defense dahil sa 25 turnovers.

Ang depensa ng Tigers ay mula sa main men na sina Mark Yee at Leo Na­jorda na parehong kuma­mada ng big game.

May pinagsamang 10 puntos ang dalawang ex-pros. Hindi aktibo si Yee sa offensive dahil naka-6 shots lang ito, pero may nagawang 13 rebounds. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page