top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Aktor, masyonda na raw para sa young actress… TIKIMAN NINA GABBY AT SHAIRA, PINALAGAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAG-TOOTHBRUSH at nag-gargle pa yata ng mouthwash si Shaira Diaz bago kinunan ang kissing scene nila ni Gabby Concepcion sa rom-com series ng GMA-7 na Love You Two.

Kuwento ni Shaira, nag-pa­nic siya nang malamang may kissing scene sila ni Gab­by, kaya siguro inabot ng two takes ang eksena.

“Kinilig ako sa kissing scene at ibinalita ko agad sa pamilya ko. Inggit na inggit sila at may nag-comment na sana, siya na lang ang ka-kissing scene ni Gabby. Ang saya ko, biggest break ko ang Love You Two, gaganap pa akong kapatid ni Jenny­lyn (Mercado) at may kissing scene pa kami ni Kuya Gabby,” kuwento ni Shaira.

Pinuri ni Shaira si Jen­nylyn dahil hindi lang daw on-cam nagpapaka-sister sa kanya ang aktres kundi kahit off-cam. Mabait at generous din daw si Jennylyn at sobra siyang nata-touched sa pag-aalaga nito sa kanya.

Minsan daw sa taping, nakatulog siya at paggising niya, may nakalagay na food sa table niya na galing kay Jen. Inimbitahan na rin daw siya ng aktres sa bahay nito. Tuwang-tuwa si Shaira dahil nakahanap siya ng ate sa katauhan ni Jennylyn dahil wala siyang ate in real life.

Bukas, pagkatapos ng Sahaya ang worldwide premiere ng Love You Two sa direction ni Irene Villamor.

Sigurado si Shaira na matutuwa, matatawa at kikiligin ang mga viewers sa rom-com series.

Samantala, hindi maiwasan na may mag-react sa kissing scene nina Shaira at Gabby dahil sa age gap ng dalawa. Marami ang nagsasabi na para na raw niyang kuya ang aktor at dapat, hindi siya pumayag sa kissing scene nila.

Hindi na lang sinagot ni Shaira ang mga nega comments.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page