3 kotse nagkarambola
ALBAY—Tatlong kotse ang nagkarambola, kamakalawa sa Bgy. Pinaric, Legazpi City sa lalawigang ito.
Gayunman, walang iniulat na nasawi sa naganap na aksidente.
Ayon sa ulat, aksidenteng nabangga ng kotseng minamaneho ni Suresh Singh, Indian national, ang kotseng minamaneho ni Rufo Vivar at sa lakas ng pagkakabangga ay bumangga ito sa nakaparadang kotse sa nasabing lugar.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property si Singh.





Comments