T’BLAZERS, RAPTORS AT NUGGETS, BUMABANGIS SA PLAYOFFS


UMUSAD na sa 2-0 nang makagawa ng 33 points si C.J. McCollum habang nagdagdag si Damian Lillard ng 29 para sa Portland Trail Blazers sa kanilang first-round playoff series laban sa Oklahoma City Thunder, 114-94, sa NBA game kahapon.
Matikas ding nakatulong si Maurice Harkless na bumasket ng 14 points at 9 rebounds para sa third-seeded na Blazers at sa unang pagkakataon mula noong 2014 playoffs ay nabuksan sa dalawang panalo ang playoff series.
Darako ang serye sa Oklahoma City sa Sabado sa Game 3. Tumapos na may 14 points, 9 na rebounds at 11 assists si Russell Westbrook para sa Thunder.
Samantala sa iba pang laban, nakabasket ng 37 points si Kawhi Leonard para iwanan pa ng Toronto Raptors sa scoring ang bisitang Orlando Magic, 111-82.
Hindi rin nagpabaya si Kyle Lowry sa pinakawalang 22 points, may 19 points si Pascal Siakam at 10 rebounds para sa Raptors para ipatas sa 1-1 ang serye ng Orlando. Nagpakabog pa ang Toronto sa laro at inilayo pa nila hanggang 34 puntos ang kalamangan kontra sa Magic. Nagtapos na may career playoff-high 15 field goals si Leonard kahit sandamakmak ang fouls.
Samantala, nakaalagwa ang Denver Nuggets mula sa pagkakaiwan sa 19 points at nagawang biguin ang San Antonio Spurs, 114-105, sa Game 2 para itabla ang first-round playoff series.
Ibinigay lahat ni Jamal Murray ang 21 sa kabuuang 24 points niya sa fourth quarter at iahon ang Nuggets sa pagkakalubog mula sa dalawang magkasunod na kabiguan. Hindi na gumalaw ang iskor na 78-59 ng Denver bago kumulapso ang third quarter at kumasa pa sa 55-27.
Nakatulong si Paul Millsap sa kinamadang 20 points para sa Denver habang may 21 points, 13 rebounds at walong assists si Nikola Jokic. (MC)





Comments