Paslit tepok sa kuryente
CAGAYAN—Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Cagoran, Lallo sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si John Olver Bacuyag, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, isinama ng kanyang mga magulang si Bacuyag sa kasalan sa naturang barangay at nang mapagawi ang bata sa sound system ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Bacuyag sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments