top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Make sure raw na magpapakonsulta na kayo sa doktor... MGA BIKTIMA NG SCAM, POSIBLENG NAKARARANAS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2019
  • 1 min read

USUNG-uso nga­yon ang mga scam kung saan ka­ramihan sa mga na­bibiktima ay ‘yung may mga edad na. Pero, knows ba nin­yong ang mga taong nai-scam ay prone umano sa pag­­kaka­roon ng de­men­tia? Talaga ba?

Ayon sa pag-aaral, kapag ang tao umano ay nai-scam, isa itong maagang indikas­yon na ‘yung taong ‘yun ay nakararanas na ng cognitive declines.

Gayunman, karamihan umano sa mga nabibiktima ng scam ay mga matatanda kung saan base sa pagsasali­sik mula sa Rush University in Chicago, ang elder fraud ay nakananakaw ng $35 billion kada taon.

Ito ay dahil karamihan sa nai-scam ay ‘yung mga in­dibidwal na makakalimutin kung saan posible silang mag­karoon ng alzheimer at de­mentia dahil nahihirapan nang gumana ang parte ng kanilang utak na responsable sa social judgement.

Sa totoo lang, bukod sa pang-i-scam maging ang pambubudol ay nakatutu­koy din kung ang indibidwal ay may problema sa pag­me­memorya.

Kaya ang payo ng mga eksperto, mainam na mag­pa­­kon­sulta agad sa doktor tungkol sa iniindang karam­daman, gayundin uminom ng mga supplement na na­katutulong upang ito ay maibsan.

Sa panahon ngayon, ma­hirap ng maging makakali­mutin, lalo na kung marami ang nangungutang sa inyo dahil kapag nakalimutan ninyo ito, maaaring maging “thank you” na lang ito sa paglipas ng panahon.

Kaya naman sa mga beshy natin diyan na may­roon pang mga lolo at lola at mga magulang na medyo kamot-kalimot na, bantayan ninyo sila upang dehins sila maging biktima ng scam o Budol-Budol Gang. Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page