Eroplano bumagsak sa bahay, 6 todas
Jersey Sanchez
Apr 18, 2019
1 min read
PATAY ang anim katao matapos bumagsak ang eroplano sa bahay sa Santiago, Southern Chile.
Mula La Paloma sa Puerto Montt nang sumabit ang light aircraft sa mga linya ng kuryente dahilan para masunog ang bahay. Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang babae at apat na lalaki.
Nabatid na ang eroplano ay pag-aari ng Archipelago, kumpanya na nag-o-operate rin ng commercial flights sa bansa.





Comments