Co-singer, ipinagkalat na bakla, kinasuhan ng cyber libel… JK, TUTULUYAN NG KAMPO NI DARREN KAHIT ME


MARIING sinabi ng kampo ng singer na si Darren Espanto na hindi pa sila handang makipag-ayos sa kapwa-singer na si JK Labajo na sinampahan nila ng kasong cyber libel.
Matatandaang nag-ugat ang pagdedemanda ni Darren kay JK dahil sa tweet umano ng huli sa una about “gayness at its finest” noong October 19, 2018 na pinalalabas umanong bakla si Darren.
Itinanggi ni JK ang paratang at sinabing na-hack ang kanyang Twitter account, subalit hindi ito pinaniwalaan ng kampo ni Darren.
Sa pahayag ni Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ng kampo ni Darren, aniya’y wala pang posibilidad na magkaayos ang magkabilang panig. Isinampa raw ang kaso laban kay JK noong March 2019 at ang ina ni Darren na si Marinel Gonzales-Cruz ang nagsampa dahil minor pa ang singer.
Ayon pa sa abogado, dalawang beses nang nagkaroon ng hearing ang kaso.
“But ‘yung two hearings na ‘yan sa Office of the City Prosecutor, hindi nag-appear si JK and it was supposed to be submitted for decision.
“But recently, when we checked the status of the case, nalaman namin na kumuha siya ng abogado at nagpa-reopen ng case,” pahayag ni Atty. Kapunan sa interview niya sa Cinema News na umere noong April 5.
Binanggit din ng abogado na may naka-schedule na tentative hearing noong April 12.
“‘Pag ni-reopen ang second stage niyan is magpa-file ng counter affidavit if he [JK] so desires, or meron siyang question and answer from the investigating fiscal.”
Kinumpirma rin ni Atty. Kapunan na malakas ang basehan ng kaso laban kay JK.
“To destroy one’s reputation at a very young age, I think is wrong, ‘no?
“We’ve seen the evidence here. The evidence is so strong.
“And there can be no deniability na galing kay JK ‘yung posting,” pahayag ng abogado.
Sabi pa ni Atty. Kapunan, dahil pareho pang bata sina JK at Darren, “Kung puwedeng i-settle out of court, i-settle ‘yan out of court.”
Nagmungkahi pa si Atty. Kapunan kung paano maise-settle ang isyu sa pagitan nina Darren at JK.
“Maybe in due time, if there is sincere apology on the part of JK and hindi na uulitin, maybe that would be an opening for the parents to consider. And for Darren, because he is celebrating his birthday, ‘no?”
Sa May 24 daw ang 18th birthday ni Darren.
“He will no longer be a minor, so this is for him to decide soon.”





Comments