P-Noy, sinisi sa pagkatalo ni Mar, kampo nagsori na… RESBAK NI KRIS: SANA NANAHIMIK NA LANG! 'WA
- BULGAR

- Apr 17, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / BIDA

SUMAGOT si Kris Aquino sa apology ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice na siya ring campaign manager ni Mar Roxas sa pagtakbong senador.
Bago pala nag-post si Kris at nag-react sa interview ni Cong. Erice, four times muna niyang binasa ang interview nito na lumabas sa Inquirer.
Heto ang sagot ni Kris sa pagso-sorry ni Cong. Erice: “I wish I could say no comment BUT while I acknowledge he apologized, kung since ‘di ba madali akong i-text ng personal? Sen. Kiko has my numbers. And several other people na kilala namin COULD easily connect us-again unfortunately na compare, si Bong Go personal, 37 minute phone call para magpaliwanag at mag-sorry.
“Eh, bakit sa ‘kin magso-sorry? The apology should be to Noy.
“I’ll quote “the saddest part about betrayal is that it never comes from our enemies”- hindi kami close, never kaming naging close. Pero kung totoo ‘yung sinabi n’ya na kaibigan s’yang matalik ni Noy- you don’t discard a friend because wala ka nang pakinabang sa kanya.
“At mas lalong hindi mo ibabaon ang isang tao para lang iangat ang kandidato mo... Sorry pero ang babaw naman ng tingin n’ya sa mga VOTERS, na dahil lang magbu-blue iboboto na ang kandidato? Hindi ko s’ya enemy- honest naman, sino ba kami sa buhay ng isa’t isa? Pero sinimulan nila kaya tinapos ko- nagsalita lang ako dahil hindi ko kayang manahimik at pumayag na may isa pang tao ang umapak sa kapatid ko.
“A good man doesn’t deserve to be punished for staying decent. So kung kailangan ako ang contrabida- KAKAYANIN KO. Para lang alam nila na may isang Aquino na papalag at atakihin man ng lahat ng bashers at trolls- hindi aatras. Dahil laban para sa pamilya n’ya ‘to. I am ready to be hated if it means I was able to make a stand defending my family.
“Nakalimutan kasi ng tao- ano ba ang nakamulatan ko? I was 1 year & 7 months old nu’ng Martial Law- all we had was family. Kaya INGRAINED sa puso ko- kahit anong mangyari-ang una at huli, PAMILYA.
“So, sana, nanahimik na lang... and super may point ako-WHY WAS HE APOLOGIZING TO ME??? I don’t need his apology- ‘wag n’ya ilihis kung kanino talaga sila may atraso. Because utang na loob- this was never about me. “





Comments