Notre Dame Cathedral nasunog
SUMIKLAB ang sunog sa Notre Dame Cathedral sa Paris, Lunes ng hapon (local time).
Ayon sa mga awtoridad, posibleng may kaugnayan ang insidente sa isinasagawang renovation sa lugar.
Nagsimulang sumiklab ang sunog alas-5:00 ng hapon kung saan agad nagpatupad ang Paris City Hall ng evacuation sa cathedral.
Base sa mga larawan na kumalat sa social media, makikita ang malakas na apoy at makakapal na usok mula sa tuktok ng Notre Dame.
Ayon kay Paris Mayor Anne Hidalgo, naapula ang sunog pagkalipas ng siyam na oras.





Comments