Nandu‘n daw kasi ang suwerte mo, ‘teh! BABAENG SA SANDALING MAKAPANGIBANG-BANSA AY TIYAK NG UUNLAD,
- BULGAR

- Apr 17, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
Nag-a-apply ako sa abroad ngayon, pero hindi ko pa tiyak kung makaaalis ako, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may guhit ba sa aking mga palad na ako ay makapangingibang-bansa?
Kung sakaling matuloy ako, kailan kaya?
KASAGUTAN
Sabi ng Irish poet at novelist na si George Moore, “a man travels the world to search of what he needs and returns home to find it.”
Para bang kaya ka nag-a-abroad ay upang mabigyan mo ng masaya at maunlad na kinabukasan ang iyong pamilya at sa iyong pagbabalik sa sarili mong bansa, ‘yun nga ang iyong napala – umunlad ang kabuhayan ng iyong pamilya.
Pero, kung minsan, kabaligtaran naman ang nangyayari. Nag-abroad ka para magkaroon ng masaya at maunlad na pamilya, ngunit, sa iyong pagbabalik, nangaliwa ang iyong asawa at nawasak ang inyong pamilya.
Samantala, Gemma, ayon sa iyong kapalaran, ang unang halimbawa ang matutupad sa iyong tadhana kung saan positibo ang tugon, ito ang nais sabihin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi ka maiinip, mabilis na mapoproseso ang mga papeles mo patungong ibang bansa, kaya sa kalagitnaan ngayon taon, sa buwan ng Hulyo o kaya ay Agosto, pinakamatagal na sa buwan ng Oktubre, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka at susuwertehin ngayon ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 10 o 1 (1+0= 1) kung saan tulad ng naipaliwanag na, magsisimula ang suwerte mo ngayong 2019 hanggang sa mga taong 2020 at 2021, sa edad mong 28 pataas. Sa nasabing panahon, tuluy-tuloy nang uunlad at lalago ang iyong kabuhayan dahil sa pangingibang-bansang nakatakda na ngang umunlad ka na nakalagay sa guhit ng kaliwa at kanan mong palad (t-t arrow a.).
MGA DAPAT GAWIN
Sa panahon ngayon, maraming nag-a-apply sa abroad ang natutuloy naman, kaya lang ang malungkot na balita ay bihira lang ang talagang umaasenso o nagkakaroon ng maunlad na pamumuhay dahil pagbalik nila sa ating bansa ay nagiging magastos at maluho ang pamumuhay nila kaya nauubos kaagad ang naipon nilang pera sa pangingibang-bansa.
’Yung iba naman, hindi makaipun-ipon dahil padala nang padala sa humihinging mga kamag-anak at mahal sa buhay na naririto sa Pilipinas.
Dahil dito, sadyang napakahalaga na bago ka makipagsapalaran sa ibayong-dagat, kailangan mo munang masuri kung mayroon bang “good looking Travel Line” (Drawing A. at B. t-t arrow a,.) sa kaliwa at kanang palad ang indibidwal kung saan ang ibig sabihin ng “good-looking Travel Line” (arrow a.) ay malinaw na linya na sumangga sa Life Line (arrow L-L arrow b.), hindi nagkabilog, walang guhit na humadlang, hindi nalatid at nagulo, kumbaga, sa Guhit ng Paglalakbay (Drawing A. at B. t-t arrow a.), suwabeng-suwabe ang pagkakapinta at tuluy-tuloy na humaba at lumawak.
Sa kaso mo, Gemma, saktung-saktong nagtataglay ka ng “good-looking Travel Line” (arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nangangahulugang ang inaasahang pag-a-abroad ngayong 2019, sa edad mong 28 pataas ay matutupad na nakatakda na ngang magbunga ng mabiyaya at masuwerteng pangingibang-bansa.




Comments