HOTSHOTS, NAKABAWI NAKALIGTAS SA GAME 3


SUMAGOT ng panalo ang Magnolia Hotshots matapos siyapulin ang Rain or Shine 85-74 kagabi sa Game 3 ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals sa Araneta Coliseum.
Nagtala si Ian Sangalang ng 16 points at 11 rebounds upang tulungan ang Hotshots na ilista ang 1-2 serye habang bumakas si Paul Lee ng 16 markers.
Ganado ang Elasto Painters sa unang dalawang periods kaya nahawakan nila ang seven-point lead, 42-35 sa halftime.
Nakatikim ng lamang ang Hotshots ng lamang, nang isalpak ni Paul Lee ang tres sa pagbubukas ng second quarter, 18-17 pero naging matatag ang RoS at nabawi rin nila ang bentahe bago matapos ang second quarter.
Pumalag sa opensa ang Hotshots sa third canto, anim na puntos na lang ang kanilang hinahabol, 57-63 papasok ng payoff period.
Naging matatag ang Pambansang Manok Magnolia sa fourth quarter kaya nakahabol sila nang makuha ang panalo.
Samantala, sa Linggo na ang susunod na bakbakan sa PBA kung saan magtatapat ang defending champion San Miguel Beer at top seed Phoenix FuelMasters sa ala-6:30 ng gabi sa Big Dome.
Dahil Semana Santa ay pahinga muna ang laro kaya magkakaroon ng pagkakataon na magsama-sama ang mga players at ang kani-kanilang pamilya.
Abante na ang Beermen ng 2-0 serye matapos ilista ang 92-82 panalo sa Game 2 noong Lunes ng gabi kaya lumalapit na ang SMB sa pagdepensa ng kanilang titulo.
Muling kakapitan ng Beermen si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo at Marcio Lassiter para makuha ang panalo sa Game 3.
Tumikada si Fajardo ng 19 points at 18 rebounds habang nirehistro ni Lassiter ang 24 puntos.
Para sa FuelMasters, kailangan nilang manalo upang hindi mabaon sa kanilang best-of-seven semis. (ATD)
Laro sa Linggo: (Abril 21) (Araneta Coliseum) 6:30 p.m. - San Miguel Beer vs Phoenix





Comments