top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 17, 2019 (Mi­yerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGA­YONG ABRIL 17, 2019 (Mi­yerkules): Likas kang ma­su­werte at ang mga su­werte mo ay gamitin mo para sa iyong sarili at hindi para sa ibang tao. Sana, ma­gising ka sa katotoha­nang ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Su­suwertehin ka kapag hinaha­rap mo ang ma­lalaking pagsubok sa buhay mo ngayon. Tapang ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-26-38-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakabukas ang pintuan ng iyong pag-asen­so, dapat kang humakbang papasok. Dapat mo ring malaman na kahit may su­werte ang tao kung hindi niya ito aabutin, ito ay ma­wawala rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-24-28-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Lalapit sa iyo ang suwerte mo sa mga sandali na ikaw ay masaya, naka­tawa at nakikipagbiruan. Lalayo sa iyo ang mga su­werte kapag matamlay ka, malungkot at walang kibo. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-11-14-18-20-21-27.

CANCER (June 21- July 22) - Bakit ka nagkukulong sa sarili mo? Ma­kipagsapalaran ka! Sa pakikipagsapalaran, may saya at tuwa kahit ano ang maging resulta. Muli, huwag mong ikulong ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-20-25-32-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Rito sa mundo, wa­lang natatapos. Ang totoo nga, ang sinasabing tapos na ay may karugtong pa pala. Ibinabalita ng iyong kapa­laran na muling mabubu­hay ang namatay na pag­mamahalan. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-28-31-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malapit lang sa inyo ang su­werte mo. Mag­linis ka ng bahay at ba­ku­ran nang sa gayun ay mabilis na pumasok ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Huwag mong kalimutang linisin ang iyong silid-tulugan. Ma­su­­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-17-28-33-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihip ng hangin ang gamot sa iyong lung­kot. Masayang musika ang pambuhay mo sa iyong mga suwerte. Damit na malu­wag ang hahatak sa mga suwerteng gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-13-22-28-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumu­nod ka sa payo sa iyo na iwasan mo ang pagkaing nakasisira sa kalusugan. Huwag na huwag mong kalimutan na ang kayamanan ay ba­lewala kapag may mabi­gat kang nararamdaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-26-39-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi na­wawala ang mga oportu­nidad kahit saan ka mag­punta. Kahit sa pagsasaya, pamamasyal at paglalak­watsa, may makikita kang puwedeng mag-angat sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-17-28-33-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumilip sa iyo ang ma­gagandang ka­palaran. Isabuhay mo ang pagkakaroon ng positibong pananaw nang sa gayun ay magsipasok ang mala­laking suwerteng pasilip- silip lang. Masuwerteng ku­­lay-peach. Tips sa lotto-9-16-17-20-21-25.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng mga pa­lawit sa kata­wan kahit saan ka mag­punta at kahit nasa bahay ka lang. Sa maniwala ka o hindi, ito ang iyong pam­pasuwerte ngayong araw na ito. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-3-14-25-30-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong ka­looban, ang na­raranasan mo ngayon ay ang pagsasaayos ng kapa­laran na hindi mapipigilan ng sinuman. Ito ang men­sahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-19-20-26-33-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page