Expected na ng madlang pipol… JULIA, TAKOT MASIRA ANG CAREER, NEVER AAMING MAY ANAK NA SILA NI COCO
- BULGAR

- Apr 17, 2019
- 1 min read

HINDI na inaasahan pa ng mga netizens na aamin sina Julia Montes at Coco Martin sa nababalitang may “anak” na sila na bunga ng kanilang pagmamahalan.
Kung madali naman sa parte ni Coco ang pag-amin dahil action star ang image niya at hindi isang heartthrob, si Julia ay may career na dapat alagaan.
For sure, hindi niya basta maigi-give up ang kanyang pag-aartista dahil may pamilya siya na dapat tulungan. Kahit na sabihin pang nakapagpundar na si Julia ng mga properties at nakapag-ipon, still, marami pang oportunidad na naghihintay sa kanya.
Iba ang magiging tingin ng publiko sa artistang nagkaroon na ng anak. Kung dati-rati ay pang-leading lady ang mga roles na ibinibigay kay Julia, kapag inilantad na niya sa publiko ang kanyang “baby” (kung meron man), tiyak, mother role na lang ang ibibigay sa kanya sa mga susunod niyang teleserye at pelikula. Bababa at mababawasan na ang kanyang premium at kalidad bilang artista.
Pero, hanggang kailan puwedeng itago ang isang lihim? Matalas ang pakiramdam ng mga tao sa showbiz. Lalabas din ang katotohanan.





Comments