top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

8 NOYPI, ‘DI PADADAIG SA ASIAN YOUTH TENPIN

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Apr 17, 2019
  • 2 min read

SISIKAPIN ng Pilipinas na maipagpatuloy ang pag­paparamdam ng puwersa nito pagdating sa pagpapa­tumba ng bolilyo sa interna­tional stage kapag umusad na ang 20th Asian Youth Ten­pin Bowling Championship sa Megalanes, Sarawak, Batu Kawa, Kuching, Malaysia simula sa Miyerkules, Abril 17.

Nakasalalay sa tikas ng walong kabataang Pinoy at Pinay ang kampanya ng bansa sa isang linggong kom­petisyon na umakit ng ma­lulupit na kinatawan ng Australia, Bahrain, Taiwan, Hong Kong, Korea, Macau, Singapore, Thailand at ang punong-abalang Malaysia. Ito’y sina Kayle Abad, Pat­rick Nuqui, Merwin Tan, Kenzo Umali, Norel Nuevo, Alyssa Ty, Grace Gella at Bea Hernandez na aangkla sa patnubay nina Alexander Lim (team manager), Jose­phine Canare (coach), Engel­berto Rivera (coach), Jerry Lee (official) at Rachelle Leon (official).

Sariwa ang bansa sa pag-uwi ng dalawang tansong me­dalya mula sa 2019 World Bowling Junior Champion­ship na ginanap sa France.

Sa naturang paligsahan, pu­mangatlo sa girls singles’ si Gella, 18-anyos, habang tu­mersera rin ang 16-taong-gu­lang na si Nuevo sa bak­bakan sa girls masters ng paligsa­hang inorganisa ng World Bowling, Maximin Bowling Plaza at Tenpin Bow­ling Association of France.

Sa kasaysayan naman ng Asian Youth bowlfest, nakasilat pa rin ng puwesto sa podium ang ating mga kinatawan noong nakalipas na mga edisyon.

Noong 2017 sa Manila, nakuha ng tambalan nina Bea Hernandez at Nina De Vera ang bronze sa girls doubles event. Dalawang pilak at dala­wang tansong medalya sa boys’ events ang nagpani­ngas ng medal tally ng ban­sa noong 2015 nang ganapin ang kompetisyon sa Macau.

Sumegunda ang Pilipinas sa singles (Enzo Hernandez) at all events (Hernandez) at pumangatlo sa doubles (Her­nandez at Ivan Malig) at sa Masters (Hernandez).

Isang ‘all-events” silver ang nakasabit sa Pinoy na si Jose Paolo Darroca nang ga­napin ang paligsahan sa Hong Kong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page