76 dedo sa baha
UMABOT na sa 76 katao ang nasawi dahil sa pagbaha dulot ng matinding pag-ulan sa Iran.
Naglabas na ng flood warning ang mga awtoridad sa silangang bahagi ng bansa.
Mula noong Marso, tinamaan na ng flashflood ang 25 probinsiya sa Iran na naging sanhi upang paalisin ang mga nakatira sa mga apektadong lugar at pagkasira sa malaking bahagi ng agricultural sector ng bansa.
Samantala, patuloy ang pagpapadala ng tulong ni Iranian President Hassan Rouhani sa mga nasalanta ng bagyo.





Comments