top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SMB, NAMBASAG GAME 2, HINAMIG

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2019
2 min read

ITINAKAS ng San Miguel Beer ang 92-82 panalo kontra top seed Phoenix FuelMasters kagabi sa Game 2 ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series sa Araneta Coliseum.

Kumana si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 19 points at 18 rebounds upang tulungan ang Beermen na ilista ang 2-0 serye at lumapit sa paglaro sa Finals, may 24 puntos naman ang kinana ni Marcio Lassiter.

Naging agresibo ang FuelMasters sa unang dalawang canto kaya nakuha nila ang lamang, 46-37 sa halftime.

Bumawi ang Beermen sa third quarter, naitabla nila ang iskor sa 63-all papasok ng fourth period.

Samantala, ramdam na ng Magnolia ang pressure sa Game 3 dahil lubog sila sa 0-2 serye sa kanilang best-of-seven series kontra No. 2 seed Rain or Shine.

Kaya naman ayon kay Hotshots point guard Mark Barroca kailangan noong pahabain ang kanilang resistensya upang makatagal sila sa serye.

“Kailangan lang mabalik yung fire namin kasi parang nawawala yung depensa namin,” ani Barroca.Lupaypay ang Magnolia sa unang dalawang laro at para hindi mabaon at manatiling malakas ang tsansa sa asam na korona ay dapat manalo na sila sa Game 3 ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Kinalawit ng Elasto Painters ang Game 1, 84-77, at isang pang easy win sa Game 2, 93-80 noong Linggo.Sinubukan ni Magnolia coach Chito Victolero na humugot sa kanyang bench players sa Game 2 pero walang umubra.

“Siguro nai-scout nila kami ng maigi,” hayag ni Barroca. “Lahat kami parang hirap na hirap. Hirap din kaming pumuntos, hirap kaming mag-execute. Parang alam na alam nila yung gagawin namin so hopefully maka-adjust kami.” (ATD)

Laro ngayon: (Araneta Coliseum)

7:00 p.m. - Magnolia vs Rain or Shine

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page