Pang-beauty queen din tulad ng madir… ANAK NI RUFFA NA SI LORIN NAPAGKAMALANG SI KENDALL JENNER

Beth Gelena / BULGARY FILES

Photo : @iloveruffag
NAGULAT ang eldest daughter ni Ruffa Gutierrez na si Lorin nang makita ang kanyang larawan na ibinahagi ng ina sa socmed.
Kuha ang picture kung saan nakaupo sa poolside si Lorin.
Habang nagdadalaga si Lorin ay lumalaki siyang napakagandang babae at pang-beauty queen tulad ng inang si Ruffa.
Caption ni Ruffa sa picture: “Family bonding with my first born @loringabriella”
Hindi napigilang magkomento ng mga celebrities tulad nina Sarah Lahbati, Phoemela Baranda, Sunshine Cruz, Almira Muhlach, atbp. sa angking ganda ni Lorin kung saan kitang-kita ang mga mahahabang biyas ng dalaga.
Napagkamalan pa nga ni Phoemela na si Kendall (ang sikat na international model na si Kendall Jenner) si Lorin.





Comments