top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Maintenance activities ng MRT, umarangkada na

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2019
1 min read

HABANG nasa bakasyon ang karamihan, sa unang araw ng maintenance shutdown ng MRT-3, puspusan na agad ang trabaho.

Sinimulan na ang maintenance sa pamamagitan ng pagsasaayos ng Overhead Catenary System (OCS), linya ng kuryente, riles ng tren at paglilinis ng mga istasyon.

Sa loob ng isang linggo, inaasahang makukumpuni at mapapalitan ang maluluwag na anchor bolts at rail fastener.

Lilinisin din ang lahat ng istasyon at papalitan ang mga contact wire, aayusin ang fire pumps, ventilation system at water pumps.

Mas mabibigyan ng maayos na serbisyo at komportableng biyahe ang publiko.

Tama lang na samantalahin ang mga pagkakataong tulad nito nang maiwasan ang aberya.

Matapos ang bakasyon, ‘ika nga, back-to-reality na naman.

Balik sa malalang trapik at isa sa paraan para makaiwas dito ay ang pagsakay sa tren.

Kaya sana, wala nang mahabang pila, walang pintong biglang bumubukas, tumutulong bubong at may nagaganap na pag-usok.

Napakahalaga ng ginagawang maintenance, nakikita ang mga parte ng tren at riles at ang kabuuan ng operasyon na puwedeng maging sanhi ng pagtirik.

Matatandaang, may humirit na ring magkaroon ng regular shutdown para sa ganitong gawain na puwede sigurong pag-aralan ng pamunuan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page