Kahit magkapatid pa… NABULGAR: LAUREN, WALANG BALAK TULARAN SI MEGAN


WALANG sibling rivalry kina Megan at Lauren Young kahit pareho silang nasa showbiz. Hindi rin pinangarap ni Lauren na tularan ang kanyang Ate Megan na nag-join sa mga beauty pageants.
Masaya na siya na nabibigyan ng serye sa GMA Network at natutuwa siya sa mga papuri at feedback sa kanyang pag-arte.
Hindi lang ang pagiging kapatid ni Megan ang dahilan kaya siya nagkakaroon ng mga teleserye sa GMA-7. Kinikilala na rin ang kanyang husay sa pag-arte. At sa aspetong ito, nalamangan niya ang Miss World 2015 na si Megan Young.
May pagka-bratty at rebelde ang role ni Lauren sa Hiram na Anak. Isa siya sa mga magpapahirap sa buhay ni Miren (Yasmien Kurdi) at sobrang kaiinisan ng mga televiewers.
Well, ang pagiging bad girl ni Lauren Young ay bahagi lang naman ng kanyang career. Nangangahulugan lang na magaling siyang umarte.
May mga nagsasabi ngang mas magaling na aktres si Lauren kumpara sa kanyang Ate Megan. Pero sa halip na ma-offend si Megan sa mga comments ng mga netizens, natuwa pa siya para sa kanyang kapatid na si Lauren.





Comments