Kagawad timbog sa boga
LAGUNA—Isang kagawad ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. VII-C, San Pablo City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Kagawad Anthony Cornista, residente ng Bgy. Sto. Angel sa nasabing lungsod.
Nabatid na napadaan sa police checkpoint si Cornista at nang kapkapan ng mga awtoridad ay nakumpiskahan ito ng walang lisensiyang baril na kalibre .45 pistola.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments