top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Jackpot Prize sa Super Lotto 6/49, inaasahang papalo ng Php 101-M

Thea Janica Teh
Apr 16, 2019
1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Inaasahang aabot ng Php 101 milyon ang jackpot prize ng kaabang-abang na Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Martes dahil ito ang maaaring mapanalunan ng masuwerteng manlalaro na makakukuha ng tamang 6 numerong kumbinasyon.

Walang nakasungkit ng jackpot prize na nagkakahalagang Php 98 milyon noong Linggo, April 14, 2019 na may panalong kumbinasyong 07-22-25-11-06-42.

Maliban sa Super Lotto 6/49, ang larong Ultra Lotto 6/58 na may tinatayang jackpot prize na Php 51 milyon at Lotto 6/42 na may estimated jackpot prize na Php 54 milyon ay lalaruin at mapanonood din ngayong araw.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo, alas-9 ng gabi at mapanonood ng live sa PTV-4. Ang iba pang laro ng PCSO tulad ng Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, samantalang, ang Mega Lotto 6/45 ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Sa bawat pagbili ng lotto ticket, hindi lamang tayo nagkakaroon ng pagkakataon na maging susunod na milyunaryo, bagkus, tayo rin ay nakatutulong sa PCSO upang makalikom ng pondo na ipinamamahagi sa maraming Pilipinong nangangailangan ng tulong-medikal.

Para makita agad ang mga nanalong kumbinasyon at iba pang detalye ng PCSO games, produkto at serbisyo, maaari ninyong bisitahin ang PCSO official website na www.pcso.gov.ph at ang official FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at PCSO GOV para sa You Tube.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page