top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 16, 2019 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 16, 2019 (Martes): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magtata­gumpay ka sa iyong mga ambisyon at maraming bansa ang iyong mara­rating.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali kang mapaniniwala ng mga ma­gagandang salita na ang layunin ay maisahan ka. Mag-ingat ka at ang payo para sa iyo, sa mga taong pinagkakatiwalaan mo lang dapat kang mani­wala. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-4-10-29-30-35-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mara­ming ma­ga­gandang ideya ang mag­­-lala­bas-masok sa isip mo. Kung magagawa mong samahan ng kau­ku­lang pagkilos ang kahit isa sa mga ito, tiyak ang iyong pag-asenso. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-21-28-32-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Kahit maging mabilis ang mga pagkilos mo, huwag mong kalig­ta­an na kailangan ding ma­bilis kang mag-isip nang sa gayun ay mas mara­ming suwerte ang mapa­sa­iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-28-33-38-40.

CANCER (June 21- July 22) - Magti­wala ka sa iyong sarili, ito ang unang hakbang tungo sa tagumpay. Ang susi sa kabiguan ay ang kawalang tiwala sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-28-30-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pag­butihin mo ang ginagawa mo dahil ang iyong kinabukasan ay dito na­kataya. Nakamasid sa iyo ang langit at kapag na­kita ka Niyang nagsisikap at maayos ang ginagawa, pag­papalain ka. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-14-25-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong dayain ang sa­rili mo, kung ano ang nakikita mo, ‘yun na ‘yun. Huwag ka ng mag-imbento pa ng maraming dahilan para lang hindi ka masaktan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto­-16-20-24-26-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahig­pit ang iyong pa­ngarap. Kapag tinalo ka ng kawalang pag-asa, sa­bihin mo sa iyong sarili na ang mga ito ay tulad ng pa­nakot sa ibon na hindi na­man talaga nakatata­kot. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-21-24-34-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tandaan mo, itaga mo sa bato na hin­di lahat ng makapal at ma­di­lim na ulap ay bagyo ang dala. May pagkakata­ong ang maraming suwerte ay may ganunding kata­ngi­an. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-5-11-14-20-22-29.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Payuhan mo ang humi­hi­ngi ng payo. Turuan mo ang nagpapa­turo sa iyo.Huwag mong ipagdamot ang kaalaman mo nang sa ganun ay hindi ka rin pagdamutan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-9-13-28-34-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga ta­ong mababa­baw dahil baka mahawa ka, kumbaga, imbes na du­mami ang mga suwerte mo ay mabawasan pa ang magagandang kapalaran na nagdaragsaan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-29-33-36-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Talo mo ang nagku­kun­waring buo at matatag ang loob dahil ang totoo, wala namang magagawa kundi ang ikaw pa rin ang masusunod. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-26-31-33-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang iyong sarili. Nga­yon, mapakikinabangan mo ang tigas ng iyong ulo. Nakatutuwang isipin na ang pagiging matigas ang ulo, minsan ay magan­dang katangian. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-6-7-10-13-17-22.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page