Gulo sa Libya, 121 patay
Joy Repol Asis
Apr 16, 2019
1 min read
TINATAYANG nasa 121 katao ang patay sa patuloy na labanan sa Tripoli, Libya.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang nasabing bilang ay mula nang ilunsad ng Khalifa Haftar ang kanilang pang-aatake.
Mula nang nagsimula ang labanan noong Abril 4 ay mayroong 560 katao ang sugatan.
Kabilang sa nasawi ang tatlong medical personnel.
Nagsimulang magpumilit ang mga militant group na lumusob mula nang mapatalsik si Moamar Kadhafi noong 2011.





Comments