Tulak dedbol sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Apr 15, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Pallua, Solana sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Joe Datul, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Datul, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments