top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

THAI GOLFER, NANAIG KAY SASO SA ICTSI MANILA GOLF

Clyde Mariano
Apr 15, 2019
1 min read

BIGO si Asian Games double gold medals win­ner at SEA Games-bound Yuka Saso na sungkitin ang pangalawang sunod na titulo matapos mapa­nalunan ang international flavoured Philippine La­dies Masters nitong na­karaang buwan at isulat ang kanyang pangalan bilang unang amateur na nanalo sa six countries ICTSI Manila Golf La­dies Masters na napag­wagian ni Arpichaya Yubol ng Thailand at ibinulsa ang tumataginting na $17,500.

Dinomina ni Saso ang laro na lumamang ng tat­long shots at siyam na bu­tas ang kailangan para ang­kinin ang pangalawang sunod na korona sa Ma­nila Golf.

Subalit hindi nakaya­nan ng 18-anyos na Fili­pino-Japanese ng San Ildefonso, Bulacan, ang matinding pressure at ma­lakas na hangin at masa­kit sa kalooban na ibinigay ang karangalan sa Thai golfer mula Bangkok.

Humataw si Saso ng last round 72 may kabu­uang 210 at natalo kay Yubol sa isang shot sa 209 kasama ang final round 71. Dahil amateur si Saso bawal tumanggap nang prize money, ang second prize ay nagkakahalaga ng $11,500 na napunta kay Shih Cheng-hsuan ng Chinese Taipei na tuma­pos ng 212 kasosyo ang kanyang kababayang ama­teur na si Tzu Yi Chang.

Si Saso ang pambato ng Pinas sa golf sa 30th Southeast Asian Games na aarangkada sa Nobyembre 30 sa Luisita Golf Course tampok ang mga manla­laro galing sa 11 mga ban­sa na bumu­buo sa South­east Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page