Proud na proud na, Luis! JESSY, TODO-DISPLEY SA SUOT NA SINGSING
- BULGAR

- Apr 15, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Photo : @senorita_jessy
HINDI makapag-comment ang mga followers ni Jessy Mendiola sa Instagram (IG) sa ipinost niyang kamay na may suot na singsing dahil disable ang comment section ng IG ng aktres sa post niyang ito.
Gusto pa namang magtanong ng mga followers niya kung engagement ring na ang singsing mula sa BF niyang si Luis Manzano. Pero may naniniwalang ipino-promote lang ni Jessy ang ring na galing sa Radiant Lux Jewelry.
Matagal nang hinihintay ng shippers nina Luis at Jessy ang announcement na sila’y magpapakasal at ang pagpo-propose ni Luis.





Comments