Pinalitan si John Lloyd... PIOLO, BABU NA SA SITCOM NI TONI


NALUNGKOT kami sa pagpapaalam ni Piolo (PJ) Pascual sa Home Sweetie Home. After John Lloyd Cruz left the sitcom, si PJ na sana ang perfect match kay Toni Gonzaga.
How true is it na tulad ni Jericho Rosales, ayaw na rin ni PJ na gumawa ng teleserye?
Nauna nang nagbakasyon onscreen si Lloydie kahit ‘di pa tapos ang sitcom niyang ginagawa which is Home Sweetie Home.
Napalitan siya ni PJ who has fully adjusted taking the place of Lloydie.
Si Jericho naman, sa presscon ng Halik ay nag-declare na magpapahinga muna sa teleserye which he said he had been doing for many, many years. Napagod na yata si Echo.
Tatlong bankable leading men ang iiwanan ang paggawa ng series.
In the case of Echo if we remember he once attempted to leave his acting career in exchange for his love for music. Nagbanda-banda pa mandin ito, pero hindi ito kinagat ng madlang pipol. So, back to his first love siya, ang acting. Ito ang naging daan kaya siya nakilala internationally.
Thinking of these three actors, bakit kaya sila nagsawa na sa pag-arte ganu’ng nakilala sila sa field na ito?
If you would trace their roots, si Lloydie ay ‘di nakatapos ng college. Si PJ ay nagtrabaho sa Tate at si Echo naman confessed once na naging taga-kaliskis siya ng isda.
How come they’re leaving a field kung saan naging sikat sila and has provided them comfortable living?
Kung maraming wannabes ngayon na nagkukumahog na marating ang status nila, heto naman ang tatlo at nagsisialisan.
Siguro nga, they have earned enough to provide them for a lifetime.
In connection with these three actors, naalala tuloy namin sina Aga Muhlach, Richard Gomez at Gabby Concepcion na mga sumikat din nu’ng henerasyon nila.
Pero tingnan mo, after sometime, nu’ng mga nagkaedad na sila, ayun, they made a comeback.
And Gabby at the most is a permanent fixture na sa GMA-7.
Will these three actors na medyo mainit pa sa publiko follow the footsteps of their predecessors?





Comments