Nokor-U.S. 3rd summit, kasado na
READY na umano si U.S. President Donald Trump para sa ikatlong summit sa pagitan nila ni North Korean Leader Kim Jong-un.
Ito ay makaraang sabihin ni Kim na bukas itong makipagpulong sa kanyang American counterpart kung nasa “tamang pag-uugali” ang Washington.
Samantala, sa ‘Tweet’ ni Trump, binigyang-diin nito ang “excellent relationship” sa pagitan nila ni Kim.
Nagbigay din ng pahiwatig ang American leader sa pagbawi sa ipinataw na mga sanction ng Washington sa Pyongyang.
Matatandaang, una nang sinabi ni Kim na maghihintay ito hanggang sa katapusan ng taon para sa U.S. na makagawa ng matapang na desisyon at makapag-alok ng isang kasunduang paborable sa magkabilang panig.
Dalawang beses nang nagtagpo ang dalawang kontrobersiyal na lider sa Singapore at Vietnam.





Comments