top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GM GOMEZ, PASOK SA TOP 10 NG 7 ROUNDS NG FIDE ZONE 3.3

Eddie M. Paez Jr.
Apr 15, 2019
1 min read

NAPANATILI ni Grandmaster John Paul Gomez ang kanyang puwes­to sa top 10 pagkatapos ng 7 rounds sa ginaganap na Eastern Asia Chess Championships FIDE Zone 3.3 Open sa Ulaan Bataar, Mongolia.

Sa draw nauwi ang paki­kipagtagisan ng galing ni Gomez laban kay Mongolian Khuyagysogt Itgeld kaya umakyat sa 4.5 puntos ang kabuuang produksiyon ng Pinoy. Sina International Masters Paulo Bersamina at John Marvin Miciano ay may nakulekta nang 4.0 puntos at kabilang sa malaking pulu­tong na nakatutok sa mga top 10 wood­pushers.

Samantala, umiskor si Al-Basher Buto ng 10 pun­tos pagkatapos ng 11 rounds para mangibabaw sa Boys’ Under 10 ng 2019 National Age-Group Chess Championships sa Iba, Zambales.

Ang performance rating ng paslit na natutong mag­laro ng chess sa mga bangketa ng Quiapo ay umangat sa 1983 kaya malayong segunda si Mark Gabriel Usman na nakaipon lang ng 8 puntos habang ang huling kasapi ng podium sa grupong ito ay si Ruslan Pamplona na nakapagsubi ng 7 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page