top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

First time raw… SHAIRA, KUMANTANG PINAGHANDAAN ANG TIKIMAN NILA NI GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15, 2019
  • 1 min read

AYON kay Shaira Diaz, pinaghandaan naman daw niya ang kissing scene niya with Gabby Concepcion sa teleseryeng Love You Two.

Siyempre naman daw, Gabby Con­cepcion ‘yan at nakakahiya naman kung hindi niya gagawin ang kanyang parte.

Ginagampanan kasi ng Kapuso star sa Love You Two ang papel ni Sam na magkakagusto sa karakter ni Gabby kahit pa doble ang tanda nito sa kanyang edad.

First time niyang makasama ang aktor pati na rin ang bidang si Jennylyn Mercado at puring-puri niya ang mga ito.

Ani Shaira, parang real sister daw talaga ang turing sa kanya ni Jen kahit off-camera.

Sa kanya ko naramdaman na magka-ate, kasi on and off-cam, sob­rang bait niya sa akin, sobrang generous niya. Tuwing gigising ako, magugulat na lang ako sa tent sa table ko, may mga naka­patong na food du’n. So, parang ‘Ay, ganito pala ang feeling ng may ate.’ So, ang suwerte ko kasi hindi lang sa TV siya ate ko kundi sa off-cam din,” sey ni Shaira.

Bukod dito ay nakapunta na rin daw siya sa bahay ni Jen at nag-acupuncture sessions pa.

Ang dami niyang ini-introduce sa akin, napakabait niya,” papuri pa ni Shaira kay Jen.

Samantala, kakaibang rom-com naman ang hatid ng GMA-7 via Love You Two na magsisimula na sa April 22 mula sa direksiyon ni Irene Villamor. Mala-pelikula raw ang atake sa serye complete with stunning cinematography na mag-e-elevate sa usual primetime viewing.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page