El Niño, nakapag-iwan na ng bilyun-bilyong pisong pinsala
- BULGAR

- Apr 15, 2019
- 1 min read

TINATAYANG nasa P5.7 bilyon na ang pinsalang dulot ng El Niño phenomenon, partikular sa tanim na bigas at mais sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), higit pa ito sa initial forecast nilang P1.7 bilyon.
Kaugnay nito, may mga ulat din na ang pinsala ng El Niño ay aabot umano sa P7.4 bilyon subalit, ang na-validate lamang ay P5.7 bilyon.
Tiniyak naman ng gobyerno na hindi ito magreresulta sa shortage ng supply ng bigas at mais.
Bukod sa mga pananim, apektado rin ang isda.
Nakapagtala ng fishkill incidents dahil sa matinding init at overuse na rin ang mga fishpen tulad sa Pangasinan.
Kaugnay nito, hinihimok ang mga magsasaka na magtanim ng mga uri ng pananim na maaaring mag-survive tuwing tag-tuyot.
Ready na rin umano ang loan at insurance para sa mga magsasakang apektado ng matinding init.
Taun-taon tayong dumaranas ng tag-init, gayundin ng tag-ulan, kahit paano masasabing natututo na rin naman tayo.
Bagama’t, may mga solusyon na tayong naiisip at unti-unting nagagawa, kailangan pa ring palawakin para maging pangmatagalang panlaban sa El Niño.





Comments