Parak tiklo sa shabu at droga
- Pabs Hernandez III
- Apr 14, 2019
- 1 min read
LANAO DEL SUR—Isang pulis ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at baril, kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Pagalongan, Marantao sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Pat. Alrajhi Yasser, nakatalaga sa Pantao Ragat Police Station sa Lanao del Norte.
Ayon sa ulat, bukod sa pitong sachets ng shabu ay nakumpiskahan din si Yasser ng baril na walang kaukulang permit mula sa Comelec.
Nakapiit na si Yasser na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002, illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments