Nanlabang pusher patay
Pabs Hernandez III
Apr 14, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Malasin, San Jose City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Dominador Dionaldo, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Dionaldo, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments