Kumalat after ng breakup n'yo, Catriona… CLINT, NAGSALITA NA SA SEX VIDEO SCANDAL
- BULGAR

- Apr 14, 2019
- 3 min read

MUKHANG nakasuwerte ng bagong leading man ang GMA-7 kay Clint Bondad. Yes, ang controversial good-looking model-turned actor na ex-BF ni Miss Universe 2018 Catriona Gray!
Kinarir na kasi ni Clint ang pag-arte dahil nag-enjoy daw siya sa first experience niya sa isang episode ng Dear Uge kung saan nakapareha niya si Jennylyn Mercado.
Kaya naman nang alukin siya ng Kapuso para gumanap na “8-year boyfriend” na nang-iwan kay Jennylyn sa bagong primetime rom-com na Love You Two, umoo agad si Clint at very excited sa kanyang bagong career.
At kitang-kita nga namin kay Clint ang excitement ngayong nag-aartista na siya dahil talagang ginalingan niya ang pag-arte sa bagong rom-com serye nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.
Bukod sa guwapo at may hawig nga kay Gerald Anderson, hindi banong umarte si Clint for a beginner in showbiz. At pati sa pagsasalita ng Tagalog, mukhang desididong maging fluent si Clint, kaya natuwa kami na may bagong leading man material na nadagdag sa mga talents ng Kapuso.
Nakorner namin si Clint Bondad sa lobby ng Studio 7 ng GMA-7 bago pa kami nakarating sa venue ng presscon ng Love You Two.
Since may controversial issue lately na kinasasangkutan niya — ‘yung kissing video niya with a sexy girl sa bar — once and for all ay ipinalinaw na namin ito kay Clint, kesa naman ‘yung nahuhusgahan siyang agad-agad daw niyang pinalitan ang ex-GF na si Catriona nang hindi niya naibibigay ang side niya.
Natatawang bungad ni Clint, “Ako ba ‘yun? Baka twin ko ‘yun, eh! Hahaha!”
Akala namin ay ine-etchos niya lang kami kaya inulit namin ang tanong kung may twin brother ba talaga siya.
Pag-confirm niya, “Yeah, I have a twin, baka ‘yun ang nakita mo.”
Tony daw ang name ng twin niya, “So, it’s not me. It’s Tony.”
Ang pagkakaiba raw nila, siya ay laging nasa bahay lang.
“Si Tony, you know, he’s babaero. But me, I’m just home, do nothing,” sey pa ni Clint.
Certified single raw siya ngayon at hindi naghahanap ng bagong GF after ng breakup nila ni Catriona.
Dahil tulad ni Catriona ay pretty and sexy din naman si Jen, biniro namin si Clint na baka naman ma-develop sila sa Love You Two.
Agad binasag ni Clint ang posibleng love angle sa kanila dahil bukod sa taken na nga naman ni Dennis Trillo si Jennylyn, younger sister lang daw ang tingin niya rito.
At dahil nakausap na nga rin namin siya, ‘di na namin pinalagpas na ipalinaw sa kanya kung aware siya na may kumalat na sex video scandal daw niya a few months ago.
Nagulat si Clint at ang balik-tanong sa amin, “Me? Sino’ng kasama?” sabay malakas na tawa.
Of course, dahil kabe-break lang nila ni Catriona nang kumalat ang naturang sex video scandal daw niya, ang Miss Universe ang iniisip ng mga nakapanood na kasama niya.
Biglang sumeryoso si Clint at sabi habang hawak-hawak ang necktie, “It’s impossible. It’s impossible, as in zero!”
So, posible kayang ang twin brother din niya ang nasa controversial sex video scandal?
Umiling lang si Clint na nakangiti, “No.”
So, ‘yun na!
Anyway, napanood namin ang teaser ng Love You Two at para itong mga previous rom-com movies ni Jen kung saan pak na pak ang pagiging kikay niya. ‘Kaaliw ang mga eksena nila ni Gabby at maging ang mga hugot lines sa serye na magsisimula sa April 22 sa GMA Telebabad.
Kunsabagay, si Direk Irene Villamor na kilala sa mga hugot movies ang direktor ng Love You Two kaya ‘wag nang magtaka.
Kasama rin sa cast ng Love You Two sina Shaira Diaz, Jerald Napoles, Sheena Halili, Nar Cabico, Kiray Celis, Yasser Marta, Michelle Dee, Freddie Webb, Madeleine Nicolas at Joshua Zamora.





Comments