top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Istorbo rin daw, pinalagan na ni Direk Cathy… FANS, BAWAL MAG-POST SA SOCMED NG PIKTYUR SA SHOOTING

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2019
2 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAPANOOD namin ang video na umaapela si Director Cathy Garcia-Molina sa mga fans na tigilan na ang pagkuha ng litrato at videos sa actual shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye na pinag­bibi­dahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Nag-sorry sa mga fans si Direk Cathy na kailangan nilang itigil ang ginagawa dahil baka hindi na sila pabalikin sa location at malaking problema ‘yun sa lahat ng involved sa shooting. Masisira ang schedule ng lahat.

May pinakiusapan ding fan ang scriptwriter na si Carmi Raymundo na ‘wag itu-tweet at ite-text ang location nila dahil sumusugod ang mga fans. Sa dami ng sumusugod sa shooting, nahihirapang kumilos ang lahat. Ang masama pa, ipino-post ang BTS ng shooting, so mape-preempt ang pelikula.

Nag-IG Story na rin sina Kakai Bautista at May­may Entrata ng pakiusap din na ‘wag magpo-post ng BTS at ‘wag munang magpapa-picture habang kinukunan sina Kathryn, Alden at iba pang cast. Hin­tayin na matapos ang eksena bago magpa-picture.

May sumusunod naman sa mga pakiusap, pero karamihan sa mga fans na nasa shooting, matigas ang ulo at pasaway. Ginagawa pa rin kung ano ang mali at bawal.

Samantala, nagkaroon pala ng mga ba­gong kaibigan si Alden dahil sa Hello, Love, Goodbye at sa napanood naming videos na in-upload nina Joross Gamboa at Jeffrey Tam, enjoy ang tatlo sa mga lakad nila ‘pag wala silang shooting. Namasyal sila sa Mongkok at bumili ng pare-parehong rubber shoes at pati kulay ay pare-pareho rin.

Sa video naman nina Maymay Entrata, Lovely Abella at Kakai Bautista, napag-usapan nila sina Kathryn at Alden. Pinuri ni Lovely si Kathryn na mabait daw. Sabi naman ni Maymay, mabait din si Alden at para raw itong si John Lloyd Cruz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page