top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

TV host, natakot kumalat na kasal na, Ion VICE, IBINUKING NI ZEUS NA MISIS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2019
  • 1 min read

SA episode ng Gandang Gabi Vice nu’ng April 7, post-birthday ni Vice Ganda kaya pala nakakagulat na pumayag siyang lait-laitin nina Alex at Toni Gonzaga kasama si Daniel Pa­dilla. Tinawag nila itong laglagan.

Here are some funny punch lines na binitawan ni Alex na allowed na­man ni Vice.

Tungkol sa makeup ni Vice, sey ni Alex, “400 layers ang mukha niyan. Hindi makeup ang ginagamit kung hindi semento.”

Nag-react si Vice, “Ano’ng akala mo sa makeup artist ko, construction wor­ker?”

May ipinakita si­lang picture ni Vice kung saan maikling-maikli ang buhok nito. Cro­p­ped look, ‘ika nga.

Nag-react again si Vice, “Kasala­nan ‘yan ni Ogie Diaz. Nag-aarti-artista nga ako noon, pero sabi nito sa akin, ‘Hoy, walang sumisi­kat na comedian na pa-girl.’ So, nagpagu­pit naman ako, ayan.”

There was a scene kung saan girl na girl siya, may bangs at may hikaw at ang ka­eksena niya ay si Vilma Santos.

He explained, “Sa In My Life ‘yan. Diyan ako na-discover nina Inang. Friend akong bakla nina Luis (Manza­no) at John Lloyd (Cruz). Basta ang gagawin ko lang daw sa naturang eksena ay lalaitin ko si Ate Vi.”

Hirit ni DJ (Daniel), “Kung si Korina (Sanchez) ay tsinelas ang ibi­nibigay, ‘yan naman ay sapatos.”

Sinu-sino kaya ang mga nabigyan ng rubber shoes ni Vice?

Sa isang portion nu’ng naglabasan ang Hashtags, sey ni Zeus Collins, “Happy birthday! Naiintindihan ka namin sa ngayon since misis ka na, ‘di ka na namin makakasama masyado sa paglabas-labas.”

Hirit ni Vice, “Naku, ha? Nandidi­yan ang nanay ko. Baka akala niya, nagpakasal na ako dahil tinawag mo akong misis.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page