top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sa gitna ng dagat ng bakit ni: Isabelle Aira Fernando

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2019
1 min read

Muli, ako’y iniwan

sa gitna ng karagatan.

Inaalisa kung saan pupunta,

tumatanaw ng tulong, ngunit, walang makita.

Sumagwan patungo sa kung saan,

sumagwan nang sumagwan.

Ngunit, tila ako’y paikut-ikot lang,

bumabalik at bumabalik kung saan iniwan.

O, baka hindi lang napapansin

dahil malayo ang tingin,

na ang usad ay malayu-layo na rin.

Umaasang babalik ka pa rin.

Ngunit, sino ang aking niloko?

Kailangan kong matutong umalis sa dagat ng bakit.

Lumalakas ang hampas ng alon,

ngayon ako’y nalulunod.

Kailangan ko ng tulong,

ngunit, kailangan ko nang kumawag

sapagkat sarili ko lang ang makapagsasalba sa akin.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page