top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pinagkaguluhan daw sila sa HK… PIKTYUR NI DIREK CATHY NA GALIT NA GALIT AT NAGSISISIGAW SA SHOOTING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KALAT na sa social media nga­yon ang mga litrato na kuha sa shooting ng unang peliku­lang pagsasamahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo titled Hello, Love, Goodbye na ididirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

May video pa nga na kumakalat na kuha ng isang netizen kung saan mapa­panood na tila nagagalit at sumisigaw si Direk Cathy dahil sobrang pinagkaka­guluhan sila ng mga kababayan nating nasa Hong Kong, kaya’t naaantala ang kanilang pagsu-shooting.

Ang istorya ng Hello, Love, Goodbye ay kuwento ng dalawang domestic helpers sa bansang Hong Kong.

Sa isang interview, sinabi ni Kathryn na todo ang pagha­handang gagawin nila sa unang pelikula na pagsasamahan nila ni Alden dahil ipa-familiarize siya sa Hong Kong kung saan pag­mu­mukhaing natural ang lahat at hindi arte lang.

“May mga ipapagawa sila sa akin pagdating ko doon para medyo ma-familiarize. Hindi ha­latang parang inaarte ko lang lahat. Ipapa-feel nila talaga sa akin ‘yung pagiging independent. Kinausap nila si Mama kung paano ako i-handle sa Hong Kong. Medyo kinakaba­han ako pero it’s all for the character,” pahayag ni Kathryn.

Dagdag pa ni Kathryn, “Ha­lo-halo ang napi-feel ko kasi siyempre, ang dami kong maiiwan dito. Ang dami kong mami-miss. Pero excited ako at the same time kasi medyo na-present na ‘yung final script namin. Excited akong maipakita ‘yung Hong Kong and ‘yung domestic helpers kung paano sila sa Hong Kong.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page