GF mo, Dennis, game naman… JENNYLYN, SOBRANG NINERBIYOS KAY GABBY SA FIRST TIME NILA
- BULGAR

- Apr 13, 2019
- 2 min read

PAGKATAPOS ng action-mystery drama series niyang The Cure last year, balik-romantic-comedy si Jennylyn Mercado sa teleseryeng Love You Two kung saan ay katambal niya si Gabby Concepcion sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa presscon ng nasabing serye last Thursday, ipinapanood din sa entertainment press ang pilot episode at ang daming nakakatawang eksena ni Jen. Pati kami ay na-miss namin siya sa ganitong genre after My Love From the Star.
“Excited ako na makagawa ulit ng rom-com. Kasi, pagkatapos ng My Love From the Star, nag-Cure ako, action.
“Tapos, ngayon na bumalik ako sa rom-com, eto ‘yung parang comfort zone ko. ‘Yung ang sarap magtrabaho kasi ang saya, tapos ang saya pa ng mga katrabaho ko.
“Si direk (Irene Villamor), ang gaan katrabaho. Laging nagbibiro, ganyan. Tapos kami, lahat, parang magbabarkada lang. So, lalong mas napagaan ‘yung trabaho.”
Ayon kay Jen, sobrang kabado siya to be working with Gabby pero at the same time ay excited din.
“Nu’ng naglu-look test pa lang kami sa pictorial, hindi ko masabi ‘yung character name niya sa sobrang nerbiyos ko. Kasi siyempre, isa si Kuya Gabby sa mga tinitingala nating aktor, ‘di ba?
“So ngayon, nakakatrabaho ko na siya, eh, iba talaga ‘yung pakiramdam,”aniya.
Nang makatrabaho raw niya si Gabby, she learned na mabait daw pala ito, napakamaalaga, gentleman at professional.
Thankful naman si Gabby sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng serye na sey nga niya, puro bata ang kanyang kasama.
“Masaya ako, talagang nag-enjoy ako, para lang akong naglalaro, especially ‘pag kasama ko na sina direk (Irene Villamor), mga bagets. Feeling introducing. Enjoy ako. Wala na akong ibang puwedeng hilingin pa. I’ve nothing to complain and everything is to be thankful for,” pahayag ni Gabby.
Bukod kay Jen, kasama rin sa Love You Two sina Shaira Diaz, Sheena Halili, Kiray Celis, Solenn Heussaff, Nar Cabico, Michelle Dee at marami pang iba. Introducing din ang newest Kapuso na si Clint Bondad na as we all know ay ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Magsisimula na sa April 22 ang Love You Two after Sahaya on GMA Telebabad.





Comments