top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dapat natin itong paghandaan at agapan, mga lodi! IBA’T IBANG SAKIT NA USO NGAYONG TAG-INIT

  • Justine Daguno
  • Apr 13, 2019
  • 3 min read

NGAYON na ang pa­na­hong pinakahihintay ng karamihan kung saan usung-uso ang mga beach outing, recreational acti­vity, piyesta, street party at marami pang ibang mga nakae-excite na kagana­pan. Gayunman, marami ring iba’t ibang sakit ang nauuso ngayong summer season.

Kasabay nito, naglabas na ng mga babala sa publiko ang kinauukulan tungkol sa mga summer-re­lated disease tulad ng sore eyes, ubo’t si­pon, pagsusu­ka’t pagtatae, sun­burn, skin diseases, ra­bies na dulot ng kagat ng hayop at iba pa. Na­rito ang ilang health issues na dapat nating ma­pag­handaan:

1. SUMMER COLDS. Mayroong mga uri ng virus na nakapagdudulot ng si­pon kahit hindi tag-ulan. Ayon sa Merck Manual, ang mga sin­tomas ng summer cold ay dahil sa enterovirus na naka­pagdudulot ng lagnat, sakit ng ulo, sore throat at mouth sores.

Kaya ang payo ng mga eksperto, uminom ng 8 hang­gang 10 baso ng tubig, araw-araw, ugaliing maghugas ng mga kamay at gumamit ng anti-bacterial soap, magka­roon ng 8 oras na tulog at uminom ng mga over-the-counter pain reliever at mag­pakonsulta kaagad sa doktor.

2. HEAT STROKE. Ang heat stroke o hyperther­mia ay resulta ng sobrang ex­posure sa lugar na may­roong mataas na temperatura. Ayon sa Emedicinehealth, ang heat stroke ay kondisyon kung saan ang cooling mechanisms ng ating katawan ay natatalo ng sobrang init na nagreresulta ng core heat na lampas sa 40°C. Ang ilan sa mga sin­to­mas nito ay sakit ng ulo, pag­kahilo at panghihina. Maka­tutulong ang tubig, cold air o ice packs upang malunasan ang hyperthermia. Gayun­man, makabubuti kung da­dalhin kaagad sa ospital ang pasyente upang mabigyan ito ng kaukulang lunas.

3. SUNBURN. Kasa­bay ng “summer season”, nariyan din ang “sunburn” na isa sa pinakausong sakit na dapat bantayan upang hindi mauwi sa seryosong kondisyon. Ang sunburn ay dulot ng ultraviolet (UV) rays mula sa araw kung saan sobrang naaapektuhan nito ang balat. Ayon sa Medi­cine Net.com, ito ay maa­aring mauwi sa long-term skin da­mage tulad ng premature aging, wrinkles at ang mas malala ay skin cancer.

Kaya ang payo ng mga eksperto, mag-apply ng suns­creen 30 minuto bago lu­mabas ng bahay o mag­ka­roon ng sun exposure. Ma­kabubuti kung ang pipiliing sunscreen ay UV-A o UV-B rays na mayroong, at least, SPF30, gayundin, iwasan ang pagbibilad sa araw sa pa­gitan ng 10 a.m. to 3 p.m. Ma­a­aring magsuot ng mga da­mit na mapoprotektahan ang ating balat tulad ng long-sleeved shirt, pantalon, sum­brero at sunglasses. Saman­tala, uminom nang maraming tubig upang mapalitan ang mga nawalang tubig sa ka­tawan dahil sa sobrang pag­papawis at iwasang uminom ng mga inuming mayroong caffeine.

4. SORE EYES/CON­JUNCTIVITIS. Ito ay ang pamumula ng mga mata du­lot ng viral infection, bacteria, chemicals o trauma sa mga mata. Ang sore eyes ay pu­we­deng makahawa sa iba sa pamamagitan ng paghawak o paggamit ng mga personal na kagamitan ng taong may­roon nito. Kapag hindi ka­agad mabibigyan ng mga paunang-lunas o hindi ito ma­gagamot nang maaayos, maaari itong mauwi sa pag­kabulag.

Kaya, huwag basta ga­gamit ng mga eyedrop, ma­kabubuti kung magpapakon­sulta muna sa doktor bago sumubok sa mga over-the-counter na pampatak sa mga mata.Ugaliing hugasan ang mga kamay, lalo na kapag hahawak sa mga mata o ma­lapit sa parte nito at bawasan ang pagkamot o paghawak sa mga mata na apektado ng sore eyes.

5. DIARRHEA AND VOMITING. Dahil sum­mer, paniguradong kabi-ka­bila ang outing at gala. Si­yem­pre, sa pagkakataong ito ba­baha ng iba’t ibang pagkain at inumin kaya dapat ma­ging maingat tayo dahil ang mainit na panahon ay naka­pagdudulot ng bacteria o kontaminasyon sa pagkain. Kaya ang payo ay iwasan ang anumang pagkain na masyadong exposed sa init ng araw. Magdala ng oral re­hydration salt solution, ma­­katutulong ito para sa diarrhea. Gayunman, dalhin kaagad sa pinakamalapit na health cen­ter ang taong may diarrhea.

6. SKIN DISEASE. Ang skin diseases ang pi­naka-common na sakit ka­pag summer.

Kaya, ugaliing maligo, araw-araw at magkaroon ng proper hygiene. Para sa mga magsu-swimming, mag-sho­wer muna bago maligo at hu­wag kalimutang magbanlaw pagkatapos maligo sa pool o anumang pampublikong paliguan.

7. ANIMAL BITES. Ang kagat ng hayop at naka­pagdudulot ng rabies, lalo na kapag hindi ito nahugasan nang mabuti. Ayon sa re­search, ang Pilipinas ay isa sa sampung bansa na naka­pagtatala ng mataas na bilang ng “worst rabies problem”.

Kaya, siguraduhing ma­pababakunahan ng anti-ra­bies ang ating mga alagang hayop. Kung nakalmot tayo ng mga alaga nating ha­yop, siguraduhing mahuhu­gasan ito ng maayos gamit ang sa­bon at running water. Kapag na-sustain natin ang kagat ng hayop, pumunta ka­agad sa mga animal bite center upang makakuha agad ng rabies vaccination.

Tandaan, totoong dapat i-enjoy ang kani-kanyang summer vacation, pero hindi natin dapat pabayaan ang ating kalusugan.

Ang kapakanan ng ba­wat isa ang pinakamahalaga, dapat anumang panahon tayo ay healthy para lahat ay happy! Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page