top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SUNSET DIVE, PINASILIP SA PALAWAN CLIFF DIVING

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2019
1 min read

Photo : primer.com.ph

MAKAPIGIL-HINI­NGANG aksiyon ng pag-dayb ang matutunghayan sa 2019 Red Bull Cliff Diving World Series na sisimulan bukas, Abril 13 sa Palawan.

Nangunguna sina Aus­tra­lia’s defending women’s champion Rhiannan Iffland, cliff diving legend Orlando Duque ng Colombia at Fili­pino-Australian wildcard Xantheia Pennisi sa isang ex­­hibition match na magi­ging highly competitive na sa pagsisimula ng bagong season sa gagawin nilang sunset dive sa phenomenal rock formation ng Tres Ma­rias Islands.

Kondisyon na ang kani­lang mga katawan at ang isi­pan ay tutok na sa pagbukas ng 11th World Series season para sa bagong lokasyon ka­hit na may sagabal na mga bato sa Small and Big Lago­on sa Miniloc Island, El Nido.

Tiyak na magiging ma­init at nagbabaga ang opener season dahil 24 na mga atleta ang magpapakitang-gilas sa pag-ikot ng katawan habang dumadayb sa bilis na 85km/hr paglagpak sa malinaw at malinis na dagat.

Ang dagdag na chal­lenge ng off-the-cliff compe­tition sa unang event ng 2019 season ay naghihintay sa 14 na kalalakihan at 10 ka­babaihan sa Red Bull Cliff Diving World Series.

Made­de­pensahan ka­yang muli ng reigning cham­pions na sina Iffland at Gary Hunt (GBR) ang kanilang korona noong 2018 at mayroon kaya silang ba­gong porma na ipakikita para maipag­tanggol ang King Kahekili Trophy na lulundag sa taas na 27-metro laban sa nada­rag­dagang competitors na sasaksihan ng mga pawikan at kayakers sa kauna-una­hang lokasyon sa bahaging ito ng Pacific Ocean. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page